TFIOB: Pumangalawa pa!

As discussed from the last post that I had and due to persistent group demand, nagkaroon nga ng 2nd meet up ang The Fault In Our Blogs. Para sa 2nd meet-up na ‘to, priority ang mga bagong downlines na papasok sa grupo. Hindi muna namen sila pinagdala ng joining fee kasi baka magwalk-out, sa susunod na meet-up na lang. :p

Nagkasundo na itaon ng unang Sabado ng Enero 2018, alinsunod sa available schedule ng nakararami at syempre darating ang Inang Bibe na nagbigay buhay para maitatag ang Saligang Organisasyon ng mga manunulat ng WordPress.

As always, late ako pero syempre hindi papakabog si Aila na mas late sa akin. :p Since galing ako paborito kong lugar (Hospital) para magpaturok ng pampahaba ng buhay, dumating na ako pasado alas-kwatro ng hapon sa Banapple, Gateway. Habang hinahanap ng mata ko ang mga pamilyar na features ng mga kaibigan ko, medyo nagulat ako ng pa-very light ng makita ko na mahaba ang area ang sakop ng mga pa-meeting ni Mayor Jheff. Bilang likas na mahiyain, pasimple lang akong lumapit sa kanila, bumati ng Hi at tumabi na kay Inang Bibe.

Si Inang Bibe, ang kapita-pitagan at nagiisang manunulat ng Aysabaw. Com

Grabe, kinilig ako nung nakita ko si Ate Aysa, gusto kong punasan ng panyo ang noo nya hindi dahil sa may pawis kundi dahil malapad din gaya ng akin.πŸ˜‚ Ibang klase si Ate Aysa, akala ko tahimik sya at hindi mo mabibiro pero grabe, napaka-bully nya. Yung tipong hindi mo mahahalata kasi sobrang hina ng boses nya. o baka bingi lang ako kasi ang ingay ni Ely? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

26232041_2019463488334519_2632843618036461643_o

Next is si Ely, hindi ko sya nakilala. Ibang – iba sa tunay na buhay. Magkatabi sila ni Ate Aysa nung pagdating ko kaya sila lang yung medyo nakausap ko ng 10minutes. Sobrang napa-wow ako kay Ely kasi biruin nyo, kinaya nyang pumunta sa meet-up kahit na may pasok pa sya sa office makita nya lang ang Crush nya sa araw ng meet-up. (Ely, itatago nalang naten ang Crush mo sa pangalang – ElsiebawΒ πŸ’—)

Next is si Kate  Sya na yung girl crush ko ❀ gandang-ganda ako kay Kate at ang witty nya. Nakakatuwa yung mga tanong nya kay Jonathan as if kasalanan ni Jonathan kung bakit may tatlong linggong palugit lang ang kaya nyang i-exert para sa isang sinisinta. Sayang lang kasi maagang umuwi si Kate para sa kanyang GirlFriend Duties.

Another guest is si SenseiΒ , isa din sya sa mga dahilan kung bakit January 6 ang napiling schedule since bakasyon nya din galing Japan, may pa-chopsticks si Mayora pero wala syang pa-sake bilang umalis din sila agad ng Baby Boy nya. Since medyo malaki yung group ngayon, hindi ko nakachikahan ng matagal si Sensei.

Next is Grace, ako ang nagsali sa kanya sa group. Schoolmate ko sya nung elementary pero hindi kame nagpapansinan nung mga bata pa kame so after a decade, ngayon lang kame nakakapagusap bilang nagaabot kame sa terminal ng Van papasok sa office every morning. πŸ™‚

Next is si James, Jusko! akala ko tahimik tong lalakeng ‘to pero may kulit din palang tinatago. Nilait nya ako mga 5 times pero indirectly.Β  Short term lang daw ang memory nya pagdating sa mga topics na napagusapan kaya sana di na nya maalala talaga yung mga chismis namen nung nagvideoke na.

Next is si Pajahma,Β mas late syang dumating saken. Hindi ko sya nakausap masyado bilang malayo din kame sa isa’t-isa. alam ko lang sabi nya mahiyain sya pero kumanta sya ng stupid love.

Lastly, si Patrick. Akala ko talaga sya lang yung aattend ng pa-2nd wave ni Jheff since sya lang yung medyo active na nagtanong kung okay lang malate ng pavery light.

And syempre, present padin ang mga Beshiecakes naten na masisipag gumawa ng oras para ma-meet nila yung mga members ng TFIOB. (Kuya Keso and Ate Choco,Β Jheff, Rhea,Β Jonathan, and syempre ang pinakapaborito kong beshiecake na si Aila)

Para sa 2nd meet-up, matira matibay ang peg siguro kasi ayaw padin umuwi ng iba kaya nauwi kame sa Videoke, sa tulong ng mahiwagang google and waze, narating namen ang KTV house malapit sa may manhattan. walang maalam sa cubao kaya kame nag-waze.

26220004_1681813878507308_2888866386068275420_n

Syempre normal na magkahiyaan sa simula bilang maglalabasan ang mga talent nila. Sabi pa nila Jheff sa Server. “Boss, 1 hour lang kame” Jusko yung 1 hr e inabot ata ng dalwa or tatlong oras dahil napasarap na at mukhang ayaw pa magsiuwian. Nakakahappy kasi nagiging komportable na sa isa’t-isa and nakakatuwang isipin na yung mga taong may gawa ng mga blog na binabasa ko lang e may mukha na at personalidad na para sa akin ay maituturing kong kaibigan. πŸ™‚

Hindi ko alam kung anong next trip nila kung bundok, isla or kahit simpleng get together lang pero syempre G lang tayo all the time. πŸ™‚

Nice to meet you, friends! Sana sumama ulet kayo sa susunod. πŸ™‚

_Jassie_

 

 

 

 

45 thoughts on “TFIOB: Pumangalawa pa!

  1. Gaya nung first meet-up Jas, hindi na naman tayo masyado nakapag-usap kase magkalayo tayo ng upuan. Pati sa videokehan, magkalayo pa din tayo ng upuan. Hahah.. Pero okay lang yun, bawi tayo next time. How about this weekend kaya? πŸ˜‰

    Liked by 2 people

  2. HAHAHAHA. Ang dami kong tawa! Ngayon ko lang nakita ang mga pics, beshiecake. Ang saya! Baka isang sama ko pa sayo eh hindi na ako maging mahiyain. Wahahaha. Btw, may kwento ako gawa nang pagkapuyat ko sa araw na yan. Muntik akong magcollapse nang mga sumunod na araw. Hahaha. See you ulit!!!

    Liked by 2 people

    1. Hindi ko pa nga nasama yung picture ni Ate Aysa at Aila. Kinikilid din si Aila dun. Pero mas epic yung reaksyon nya talaga nung nakita nya si Ely as in sobrang nakakagulat na nakakatawa na parang nabunot sya sa raffle ng hindi inaaaasahan. hahahaha
      Tatanggalin naten yang hiya mo, Beshiecake. tas magkakape tayo nila Jheff. πŸ™‚
      Nakuuu Mukhang nakakagimbal yang chikka mo!! Hahahahaha

      Liked by 2 people

      1. HAHAHAHA. Don’t assume beshiecake. Literal na nahilo ako at muntik magcollapse gawa ng sunud-sunod na araw na pagpupuyat. WALA NGANG NAGTETEXT SAKIN! HELLO GUYS! NAKA-PLAN PA MAN DIN AKO SAYANG LANG ANG. KAHIT SANA MAY MAGTEXT NG MGA QUOTES GAYA NUNG NOKIA PA ANG PHONES NATIN. WAHAHAHAHAHA.

        Liked by 2 people

      2. Hahahahha. sa pagod yan Besh. Naka-ilang entries ka na puro madaling araw ang publish tas wala pang nagaalaga noh? huhubels. hahahaha.
        Globe na lang ang nagttxt saken ngayon. hahahaha

        Liked by 1 person

      3. WAHAHAHAHA KAINIS KA BESHIECAKE! WAG MO NANG ULIT-ULITIN. WAHAHAHAHA. SAKA PURO AKO MEET UP. HAHA.

        Like

  3. Maraming salamat tlaga beshie at sinali mo ako dito sa TFIOB. Nag-enjoy talaga ako. At talaga na shookt ako sa sakit mo. Grabe! But I’ll pray for your healing. Mabubuhay ka pa ng matagal. Mga masasamang damo tayo e!

    Liked by 1 person

  4. meron sana ako pa-sake kaso late ka πŸ˜€ lol kddding aside, sorry umalis agad kami ng maaga, mahaba haba pa ang lalakbayin namin that day. Pero I’m glad na nagpang-abot pa rin tayo, sobrang tuwa sayo si boyfriend πŸ™‚

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s