Ingat pa-summit, Sir!

This morning, I received an email from my Ex-boyfriend stating that his Bestfriend whom I am super close with passed away last Friday, I cried. Parang nawalan ako ng long lost friend. Let me share with you a story.

The first time na pinakilala ako ng jowa ko sa friends nya was way back May of 2013. We had an Outreach program for Elementary students of Mauban, Quezon. First time yun, bago palang kameng magjowa nu’n at hindi ako sanay na mag-overnight with jowa and friends. Nagkita kame sa LRT Buendia, I was late for 2hours. Nag-antay sya at galit na galit na. Hindi ko pa masabi sa kanya that time na hindi ako marunong sumakay ng LRT-MRT kasi baka maartehan sya. Cut the story short, nag-away kame at sumakay ng Bus. Pero nung pagbaba na ng bus, in-orient na nya ako na may mameet akong 3 bestfriends nya. Si Papa P, ang pinaka-bully sa kanila, wag daw akong mapipikon kasi palabiro lang talaga sya. Si Papa A, ang pinakamaliit at pinakamasayahin sa lahat and si Papa B na neutral lang. Ninenerbyos ako nung una kasi medyo strict si jowa at di ko alam kung okay lang ba akong makipagkwentuhan sa mga beshiecakes nya.

So eto na, dumating kame ng Sta. Rosa, Laguna, sa Boarding house ng mga Papa Bears. Nameet ko silang lahat and si Reyna. Okay naman silang 4, in fact, hinayaan ako ni jowa ni makipag-mingle sa kanila over socials pero di ako uminom. Jowa was Overly Protective. Call him OA pero ayaw nya talagang nakikipagchikahan ako sa iba pero, iba dito sa mga beshiecakes nya kasi ibinilin nya pa ako.

So eto na ulet, nung papunta na kame sa School, napansin ko nang si Papa P and Reyna eh hindi mapaghiwalay. Kaya sinabihan ko na si Jowa na ang sweet nila kako, only to find out na hindi sila magjowa, parang buddy pero walang label. Si Reyna lang kasi yung nagmamahal, Si Papa P ay may ibang gusto. So si Reyna eh laging sumasama sa Climb para lagi nyang makasama si Papa P. Yun ang kwento ni Jowa. Willing to wait daw sya. Ganun nya daw kamahal si Papa P.

Years passed, most of the time eh hindi na ako nakakasama sa climb dahil busy sa Office and Laging out of town. Hanggang sa naghiwalay na kame ni Jowa and I shut down myself away from his friends na naging mga kaibigan ko na din. Walang exception. Lahat tanggal. Lahat unfriended. Lahat blocked numbers.

Hanggang sa naging okay ako, nagusap ulet kame ni Jowa after a year pero hindi para magbalikan kundi para magkakwentuhan lang. Hindi kame frequently naguusap. Minsan once in every 2-3weeks or after 2-3months. Kung nasa Manila lang sya or yung tipong mangangamusta lang over email or phone call. Hindi kame nagkikita at all.
Nabanggit nya din na hindi nagwork out ang relationship ni Papa P and Reyna. Less than a year lang ata kung hindi ako nagkakamali. May girlfriend na si Papa P at may baby na din. So wala na silang chance ni Reyna, pero si Reyna eh hindi nagboyfriend. She was STILL patiently waiting kay Papa P. Loving him silently. Kapag kasama daw ni Papa P ang girlfriend nya eh hindi daw sumama si Reyna kasi nasasaktan. So in short, mga nakaw na sandali lang kay Reyna. Hindi umalis si Reyna sa tabi nya sa mga panahong down si Papa P. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na taken for granted si Reyna pero kahit ganon daw ang set-up nila eh walang reklamong narinig si Papa P kay Reyna.

Hanggang sa bago mag-undas, nabanggit ni Jowa na si Papa P ay may sakit. Spinal Tumor. Nagsimula lang daw sa simpleng stiff neck hanggang sa after several weeks eh immovable na ang head to shoulder hanggang Lumbar. Then si jowa was religiously taking care of Papa P every weekends kasi yun lang pwede sya. Several days pa ang dumaan at pagrabe na nang pa-grabe daw ang condition ni Papa P. Paralyzed na ang buong likod. Binubuhat na sya ng nakahiga kapag may weekly check-up kasi hindi na sya nakakaupo. Stage 4 na pala nung nalaman. Matagal na pala syang Iniwan ng Girlfriend nya kasi hindi na nya masuportahan financially ang mga luho at dinala ang anak. Siguro nakadagdag yun sa stress ni Papa P. Hanggang sa naging bed ridden na si Papa P. Napilitan nang lumuwas ng nanay nya galing probinsya para alagaan sya at isa sa mga taong hindi nangiwan sa kanya ay – – si Reyna. Masipag nyang inalagaan si Papa P. Hindi iniwan sa lowest point ng Buhay nya.

After a week, tinawagan ulet ako ni Jowa, alam nya kasing aakyat ako ng Mt. Pulag para sa Birthday Climb ko. Tinanong ko kung may lakad sya at habang naririnig ko ang garalgal nyang boses, sinabi nyang magpe-prepare daw sila kasi nag-request daw si Papa P na kung pwede eh buo ang Barkada nila kasi ramdam daw ni Papa P na last Birthday na nya to. Nararamdaman daw nya na hindi na sya aabot ng Pasko.

Hanggang sa Kaninang Tanghali eh nabasa ko ang email ni jowa. Wala na daw si Papa P. He passed away last Friday, 4:35pm. Nanginig ako at ang bigat sa dibdib. Mahal na mahal ni Jowa si Papa P. Higit pa sa kapatid ang closeness nila. Ang sakit sa puso. Dali-Dali kong sinearch sa facebook si Reyna. Kahit na matagal na kameng hindi nagkita eh kinapalan ko na ang mukha ko at minessage ko sya, nakiramay ako sa pagdadalamhati nya. Tumutulo ang luha ko habang binabasa ko ang messages nya. Akala nya daw para sa kanya ang taon na ito. Para sa kanila. Ang dame daw nilang plano ni Papa P. Kaso wala na daw saysay kasi wala na si Papa P. Hindi nya alam kung saan, paano at kailan magsisimula. Kung paano haharapin ang bukas na wala na ang taong sobrang mahal na mahal nya. Nai-share nya pa na sana daw kahit anak na lang ang iniwan sa kanya. Umiiyak daw sya sa kada pupunta sya sa kwarto ni Papa P at maiisip nya ang mga huling sandali na inaakap nya at inaalagaan nya si Papa P. May sakit or wala, sobrang mahal na mahal daw nya si Papa P. Ang sakit sa puso. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal ni Reyna kay Papa P. Walang salita ang kaya kong sabihin sa kanya para macomfort sya.

Sana maging okay si Reyna, sana makayanan nya tong stage nya to. Sana wag syang mawalan ng tiwala kay God. Sana. Sana. Hindi ko masabi yan kay Reyna kaya isusulat ko na lang.

Kaya ikaw, kung mahal mo yung tao, sabihin mo na ngayon. Wag mo nang hayaan na lumipas ang araw na ‘to nang hindi napaalam sa kanya. Iparamdam mo kung kaya mo. Wag mo nang antayin ang araw na magsisisi ka at wala ka nang magagawa.

Rest in Peace, Papa P. Salamat at nakilala kita kahit sandali lang.

-jassie-

Advertisements

Ang Pa-Sunshine Blogger Questionnaire

Hindi ko ugaling magsagot ng chain letter/questionnaire na kagaya ng nakararami. Pero bilang Beshiecake na tunay si Tito nyo Jheff eh, pagbibigyan naten.  Hindi ko sure kung tama yung ginawa ko pero itey na. Hindi na ako magnonominate ha? 16 lang kasi ang common friends naten at lahat yun eh nabigyan na ng spotlight. hahahaha

15 Questions ni Tito Jheff:

  1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

Dahil naeexperience ko ngayon yung 2nd, sige piliin ko yung option number 1. 😀 Pero don’t get me wrong, masaya ako. Mabait ang boss ko. Madami akong taong natutulungan, naeenjoy ko ang mga byahe ko local (bihira lang, kasi lagi akong tinatawagan) and lalo na abroad (di sila makapasok kasi airplane mode. Nyahahaha)

  1. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

– Depende sa kumporme. Pero para saken, dapat hindi na. PRIVACY. Yun na lang ang pakunswelo namen sa isa’t – isa. Kung mambababae sya, eh wag lang syang magpapahuli ng buhay kasi maghahalo ang langis sa tubig *insert kontrabida laugh* hahaha

  1. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

– Medyo struggle ‘to. Pero kasi kailangan kong sabihin eh. Baka kasi hindi nya napapansin or baka hindi sya aware so kung close kame eh sasabihan ko syang “Beshiecake, amoy bagoong ka.  Or pwede din, “Besh, amoy tinapay ka. Hulaan mo kung anung tinapay :P”

  1. Ano ang iyong kahinaan?

– Inang Reyna, Amang Hari.

  1. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

– “Give me 3 days” Very Rhea Angeline. Hahaha. Joke lang. Dumistansya. Masakit ako magsalita kapag galit. Makakasakit ako ng tao ng sobra kahit hindi minsan sadya. Yung tipong sana hindi mo na lang ako nakilala. Distance na yung tipong kasing layo ng Planet Neptune sa Sun. Nagsasabi naman ako directly na “medyo hindi tayo okay, wag muna tayong magusap. Magpapahupa lang ako ng inis”

  1. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

– Magpakatanga ng paulit – ulit. Maghintay kahit sobrang sakit, kahit sobrang tagal. Kahit 2 years para sa closure. Kahit walang kasiguraduhan.  Kahit ako na magaadjust para lang maisip mo ako. ( Pasok, Jeremiah. *nanghihinayaaaang… Nanghihinayaaaanngg ang pusssooo kooo* ) Tanga nga.

Magpakalasing at itanong sa uber driver mula Taguig hanggang Malate ng paulit – ulit kung bakit hindi na nya ako mahal. Sa dame ng napundar na memories namen, sa dame ng lakad at plano namen together, bakit ayaw na nya? Na kung bakit tatlong beses na syang nagpropose pero ayaw na nya? Tas nag-promise ako na hindi na ako iinom – ng konti.  (Wow, F na F ko ang sagot. Hahahah)

  1. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

–  Yung latter. Kasi kung dahil lang sa Third party (ang party na hindi masaya) eh iniwan ka nya, kapag nagkabalikan kayo eh iiwan ka ulet nya. Men are polygamous by nature, mga nuknukan ng hitad hindi naman kapogian. Daig pa octopus sa dame ng sinabihan ng I love you. Pero mabalik sa tanong, masakit sa atay, balun-balunan at bumbunan kapag hindi kayo ang itinadhana kasi kahit maalpasan nyo yung 1st stage, marami padin ang darating hanggang sa ikaw na lang ang mapapagod kasi parang nakalaan sya sa iba, tipong ON LOAN lang sya sayo. Pinatikim ka lang, inangkin mo na. Parang ‘yung universe na yung gumagawa ng way para maghiwalay kayo sa sobrang dame ng problema na hindi nyo maalpasan. Nakakaumay. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakaupos na parang kandila  (Pasok, Meghan Trainor! *So I’m gonna love youuu, like I’m gonna lose yooouuu..)

  1. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

– Landian naten ng konti, THE NOTEBOOK talaga. Eto yung movie na from young love to pasan ko ang daigdig to kahit ilagay ang Great Wall of China ng powerful mong magulang eh kayo padin ang magkikita sa finals. ❤ (standing ovation, slow clap, three times)

  1. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

-Siguro more of, Appreciate every little things that you have. Sa sobrang dumi ng epekto ng social media ngayon sa tao, parang tumataas yung inggit ng bawat isa sa kapwa nila. Of all the things eh, ‘yun talaga yung napansin ko.

  1. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

– Wala akong maisip in particular pero lahat ng taong nakakausap ko everyday eh sobrang vina-value ko. Kahit pa aplikante sila or yung nagtitinda ng softdrinks or tusok tusok sa labas ng opisina. I get to know the struggles and achievements of those people na nakakasalamuha ko.

  1. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

-Hhmm.. Wala akong maisip. Pero marami akong life lessons. From maling desisyon na nagpamulat sa kamang-mangan ko to katangahan sa pagibig to pagsama sa mga maling kaibigan. Pero hindi ko sila maconsider na regret. Kasi kung hindi ko ‘yun naranasan eh hindi ko malalaman na hindi pala ‘yun tama. Na may bagay palang mas importante. May mga taong na-take for granted pero nakatulong sila para maging okay ka ulet. Na nakatulong sila para maitama ko ang lahat.

  1. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

-Legacy talaga? Hahaha! Hindi ko alam, pero kapag nawala na ako eh may makasagot na neto para saken.

  1. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

– So far, wala pa. Hindi ko padin alam ang purpose ng buhay ko. Pero ngayon, I am trying to weigh things before I make decisions. Impulsive ako kaya siguro madame akong pagkakamali. Happy – go – lucky as they say, pero wala eh. Sa mga maling nagawa ko sa buhay, yung mga pagkakataon na “sana ganito, sana ganyan” sila yung bala ko para malaman kung tama pa ba ang ginagawa ko or hindi na

  1. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

– Sana tinuloy ko yung resignation ko. ‘yun lang naisip ko pero hindi ko sya regret. Kasi madameng magagandang bagay ang nangyare saken. Kung nagresign ako, makikilala ko kaya kayo? 😀 Wala. Para lang may masagot ako. hahahaha

  1. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

-Free will mong maghintay sa destiny or gumawa ng sarili mong version ng destiny.

Biopsy Result

Hallleersshhkkkaaa, Beshiecakes! If you were able to read my previous post, eh eto na yung result na pinakaaabangan naten. Mala-Kapuso Mo Jessica Soho ang datingan pero walang “di umano” dito. Hahaha.

Habang nalalapit ang araw ng scheduled biopsy ko eh napakadami ding gumugulo sa isipan ko. Masyadong madame to the extent na gusto ko nang magback-out dancer sa biopsy procedure. Magdadahilan or magsasakit-sakitan pero wala akong choice. Laban Leni padin!

Thursday yun. October 11, 2018 5PM. Oh ‘di ba, parang bibitayin lang ako. May scheduled recruitment activity/meeting pa ako nun sa Marikina na kung tutuusin eh pwede naman i-cancel pero mas pinili kong tumuloy.

Nagkita kame ng officemate ko sa MRT Magallanes ng 8am, habang nasa train, may tumatawag saken, pero number lang. Nagtext din sya. Anesthesiologist pala, tinawagan ko. Nagsabi lang sya ng ilang pointers ng mga dapat gawin bago ako pumunta ng hospital. Sabi nya eh dapat hanggang 10am lang ang last meal at water intake ko at baka hindi daw tumalab ang anesthesia. So ako naman, bilang matakaw sa tubig eh nagpipilit hanggang sa ilang sandali eh bumigay na si Doc at nagsabi na “Sige na, pwede ka na magtubig pero until 1:58pm ang last na patak” So bilang gahaman sa tubig, nagtanong ako ng “Doc, ilang liters po ba itong pinag-uusapan naten?” Sagot sya ng “liters ka d’yan! isang baso lang ang pwede mong inumin” Hindi na masama. Habang nasa MRT ako eh nagiisip na ako ng game plan para hindi ako mauhaw or maengganyo sa tubig. Pagdating naman namen sa client eh tinantya ko na din kung paano iinterviewihin ang 30 applicants na hindi ako mapapagod or maiinitan. 11:30am na. nagsimula na kame, kahit paano eh luminya ang mga bituin at para akong nakikipaghabulan sa oras para lang makainom ng tubig.

Saktong 2:30pm, natapos na kame at nagbyahe na from Marikina to Manila Med. Sa sobrang considerate ni Imari, yung officemate ko, hindi din sya umiinom ng tubig kasi ayaw nya akong mainggit. Hindi nya ako iniwan kahit pinapaalis ko na sya. Titiisin nya daw ang uhaw, wag lang daw akong mainggit.

Pagdating namen sa ManilaMed, hindi padin ako iniwan ni Imari. Habang nasa tabi ko sya eh ako na din mismo nag-asikaso ng admitting papers ko. nagpareserve ng OR and nag-admit sa sarili. Moral Support ba. Malaking bagay na yun. 🙂

Habang pilit na inaaliw ko ang sarili eh hindi talaga mawala ang nerbyos at kaba. Procedure lang ang gagawin saken, hindi pa ooperahan pero yung Kaba ko eh abot 35th Floor na.

Habang nilalagyan ako ng patient details bracelet, pinagpalit ng patient gown at pagsagot sa mga allergies na meron ako eh kinakalma ko na ang sarili ko. Few minutes after eh lumapit na ang nurse para lagyan ako ng IV. Hirap si Nurse gawa ng manipis ang mga ugat ko at malaki ang karayom. Sa taba kong ‘to, eh manipis ang mga ugat ko. haha

Lahat ng pagtapik, paghimas at pagclose open na pwedeng gawin sa kamay ko eh ginawa na nya para lang makita ang tamang tyempo sa paghuli ng ugat. In fairness, isang trial lang eh nagtagumpay naman sya. Habang lumalapit ang oras eh alam kong magsisimula na. Ilang minuto pa ang lumipas at dinala na ako sa Operating room.

img_20181011_1725501292260995.jpg

Habang nakasakay sa wheelchair eh patuloy na sa pagkabog ang dibdib ko. Mayang kaunti lang ay nakita ko na ang Oncologist ko, naka-smile pa si Doc habang kinakalma ako na ‘wag kang mag-alala, mabilis lang ang procedure.’

Paglapat ng katawan ko sa Operating Table, nakita ko na yung mga aparato na napapanuod ko sa Kdrama. Ilang sandali pa ay nagpakilala ang bawat isa. May anesthesiologist, Oncologist, allergologist, Residente at mga tatlo pang nurse. Mga 8 silang andun. Habang nagpapakilala eh nagsasabi sila ng functions nila at paulit-ulit akong nireremind na iingatan nila ako.

Nilagyan na ako ng para sa blood pressure, heart rate at oxygen. Ilang saglit pa eh nagsabi ang Anesthesiologist na magtuturok na sya at mahihilo na ako kaya pinikit ko ang mga mata ko at nagsimula nang magdasal. 5:43pm ayon sa orasan. Nung mga oras na yun eh ready na ako sa kahit anong result na kakalabasan. Kung magpositive ako sa breast cancer eh haharapin ko. Kasi, ayun eh.

7:00pm ensakto. Nagising ako ng may paulit-ulit na nagsasabing ‘Ma’am Jas, Ma’ am Jas, gising na po, nasa recovery room na po kayo’ Nakakabilib. Wala akong pain na naramdaman. Pero base sa dame ng mantsa ng dugo na nakita ko sa gown ko eh mas gugustuhin kong tulog talaga. Binalik na ako sa kwarto ng groggy pa ako. Tinanong ko ang nurse kung ano’ng qualifications para makauwi na. Sabi nya eh dapat magising, maglakad at makapagdamit ng on my own which is ginawa ko lahat kasi gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang makita ang mama ko. Iniwan ako saglit ng Ate ko para bumili ng food, kasi alam nya ang hirap ko gawa ng fasting. After kumain eh inaya ko pa ang ate ko na maglakad ng isang kanto at magjeep na lang paguwi para mawala ang anesthesia sa katawan ko.

Pagkadating ng bahay at pag katapos magkwento sa Pamilya at mawala ang bisa ang anesthesia ay dun ko na naramdaman ang sakit. parang tinutusok ng mga pwet ng bubuyog – mga bubuyog na kasing laki ni Jollibee. Ganun kasakit besh. Hindi mabisa ang Dolfenal. Masakit talaga. Nakakaluha ng mga apat na patak. Pero masakit talaga. Pinilit kong matulog at tiisin ang sakit.

Kinabukasan eh hindi kinaya ng mama ko ang damaged area. May dalawang butas at mala-kulay ube ang paligid. Halatang may mabigat na pinagdaanan. Hindi na ako nagreport sa trabaho at mas piniling magpahinga with matching saway sa mga mababait kong pamangkin. Pinilit kong magpahinga pero mas nananaig padin ang kirot sa loob. Iniisip ko na lang na magiging okay din lahat. Days after, I pushed my body hard, nagbyahe pa ako ng Bus pa-Masbate para madivert ang attention ko. Daig ko pa ang sumali sa fraternity sa kulay ng pasa ng biopsy ko

Fast forward to Result…

I was prolonging my agony, nagtatalo na kame ng Bestfriend ko kasi ayaw kong malaman ang result. Pero wala, kailangan kong malaman. Gumawa ako ng authorization letter para ang Ate ang makakuha ng result. After several hours, tumawag ang mga officemates ng kapatid ko at nagdidiwang sa background. Few minutes later, nagsend ang ate ko photo ng result: FIBROEPITHELIAL NEOPLASM, FAVOR FIBROADENOMA

So syempre, to the rescue si Google:

Fibroepithelial neoplasms (or tumors) are biphasic tumors. This means they consist of epithelial tissue, and stromal or mesenchymal tissue. They may be benign or malignant.

A fibroadenoma is a mobile lump that arises from an overgrowth of fibrous and glandular tissue in the breast. Some women may have several such lumps. They feel like little marbles in the breast tissue and often seem to move about which has led to the term “breast mouse“. They are usually painless.

On that same week as well, bumisita na din ako sa Oncologist ko para malaman kung anung dapat gawin and sabi nya, kailangan talaga mag-undergo ng surgery para sa excision ng lump/s. Though safe ang result, may mga rare cases padin na lumalala at nauuwi sa mas critical na result. Kaya inadvise ko sya na magiipon muna ako ng lakas ng loob at babalikan sya after 1month, 4th week ng November ako magpapahiwa, 1-2hours ang excision, both breast, in-patient ako, 3-5days confinement sa hospital then 2-3weeks na bed rest. And Yes, madedeform at liliit ang breast ko. Pero mas gugustuhin ko naman yun kesa naman everyday akong worried at nagseself pity. Also, in time din yun para pagpasok ng New Year eh healthy na ako! 🙂

Sobrang Thankful ako sa mga taong nasa tabi ko nung mga oras windang at praning ako. Syempre sa Family ko na laging andyan, di man nila masabi na nagaalala sila pero ramdam ko padin. Sa Ate Bherna ko na laging sumasama at nakakausap ko kapag feeling ko eh hopeless na ako. Sa Bestfriend kong si Maezee na wala nang ginawa kungdi mag-research at magremind ng mga gagawin na procedure at after care. Sa mga Chismosa kong Kapitbahay (Rhea, Jhem, Aubrey, Mak, Mikay, Ely, Aila and Meg) na nagsilbing support group at nagbibigay ng mga pampasayang bilang mapa-ramdom thoughts man to rated SPG. Sa VP namen at sa Sr. Supervisor na laging wala sa office, kay Imari na laging sinasamahan ako at hindi napapagod sa hospital errands. Kay suzy at kay donut na laging nagpapaligaya saken kahit lagi akong absent. Kay Ate Babes na walang sawang magbigay ng Super Juice (isa talaga to sa mga dahilan kung bakit naging maayos ang result ng biopsy ko eh. PAWEERR!) Kay Divine, Katiren, Julie Ann, Tito Jheff at other friends ko na walang sawang mangamusta. Kay Anna at Dhen para sa Masbate trip At higit sa lahat, kay Papa Lord sa pagdinig ng prayers ko at ng family and friends ko. Sobrang THANK YOU PO. Mahal na mahal ko po kayo.

Nakakaiyak yung happiness. Though ooperahan padin ako pero syempre alam ko na hindi na sya grabe, na kakayanin na sya ng puso ko kahit wala akong Jowa. Sayang ang sexy body ko kung hindi ako magaasawa. Hahaha. Joke lang.

So antabayan ang next na madramang serye ng Surgery ko next month. Itaon naten sa November para totoong Happy Birthday, Jassie! 😀

-Jassie_

Pwede bang mawala ng panandalian?

Gusto kong umeksena nang entries kasi nilulumot na ‘tong page na ‘to. Pero wala eh, ang clouded ng isip ko. Napakarami ng bumabagabag sa puso ko ngayon. Ang dami kong pending na entries sa dami ng lugar na napuntahan ko pero wala. Nawawala ang sipag.

Pero ngayon, gusto ko magbuhos ng emosyon para isa na lang, para hindi ko na kailangan i-share sa mga kapitbahay ko na malungkot ako. Dito na lang,

I had my Annual Physical Exam last September 11, 2018. 9years na ako sa Company so sa 9years, alam kong UTI lang ang laging Diagnosis saken. In the past 2years naman, may kasama nang overweight so most probably, alam ko na yung magiging result ng APE ko.

Masaya pa ako nung exam day at naguupdate sa mga blogger friends over viber. Naguusap kasi kame na baka may PCOS ako o yung tinatawag na PolyCystic Ovarian Syndrome. Prone yan sa babaeng irregular ang menstruation oh di kaya naman ay tumataba. So during the examination, ina-anticipate ko nang meron ako. After complying all the Laboratory tests, next na pumunta na ako sa Attending Physician. Eversince naman at pagdating sa medical eh compliant ako. So nagpacheck ako ng breast. Habang mabusising kinakapa ni Dra. ang twin sisters ko, may facial expression s’yang hindi ko tunay na maipinta. Mga naka-tatlong ulit sya sabay sabing ‘Ma’am you have to see a surgeon. Kailangan mong magpa-biopsy kasi may lump ka sa right breast’ So ako naman bilang nagulat eh ang sabi lang. ‘Kakatapos lang po kasi ng period ko, baka dahil po dun’ Pero at the back of my mind, kinabahan na ako. Sabi nya ‘I think matagal na’ yan pero hindi mo lang napapansin/pinapansin kasi iba talaga yung form nya’ So nonchalantly, I replied ‘Nasa Cebu palang po ako, mga May of this year eh nakapa ko na yan pero akala ko po eh wala lang’ We ended our conversation na ilalagay nya daw yun sa findings ng APE ko.

So ayun na, nasa denial stage na ako. I was denying at myself na walang lump na nakapa. Magaling ako. walang something sa katawan ko. Everyday, religiously nagreremind at nagtatanong ang mga blogger friends ko na tawagin nateng sa code name na ‘kapitbahay’ kung ano nang lagay ko, kung nakapagpa-check up na ba ako or ano na. Lumipas ang dalawang linggo na puro dahilan at pang dedeadma lang ang ginawa ko. I was contemplating. Wala eh. Kapag hindi ko pa hinarap ngayon, eh baka next thing I know, eh between life and death situation na pala.

Hanggang sa pumasok na ang October at nakapag decide na akong magpapatingin sa espesyalista. Nagpaschedule ako sa OB ng eldest sister ko. Gusto ko ng matandang doctor kasi iba ang pagpapaliwanag nila at mabusisi silang tumingin ng pasyente. October 4, baon ang lakas ng loob at suporta ng Pamilya, mga chismosang kapitbahay, at matalik na kaibigan eh Nagpacheck up ako. Nakapa ni OB ang lump na tinutukoy sa APE. Mismong araw na din yun, nirefer ako ni Dra para sumailalim sa breast ultrasound. Sabi ng ate ko, mabilis lang daw yun at hindi masakit. So nakinig ako. Sumegway pa nga ako ng kdrama kasi antagal ng waiting para sa Radiologist.

Pagdating sa ultrasound room, pinahiga na ako at sinimulan ang proseso. Normal pa ang reaksyon ko sa unang hagod ng aparato. Hanggang sa dumating na sa part na may lump, dali-dali na itong sumakit at kada hagod na ginagawa ni doc eh napapapikit akong tunay para sarilinin ang pain ng paguultrasound nya sa akin. Every stroke, naririnig ko ang pagtipa nya ng mga letra at numero na para bagang may nakita syang kakaiba. Tumagal ang ultrasound session namen ng mahigit 45mins. Ibang klase ang pagod na naramdaman ko nung mga oras na yun, parang kinuha ang lahat ng lakas ko at hindi ko na kayang umulit pa. para akong natrauma na hindi ko maipaliwanag. Masakit mga besh, masakit na gusto ko nang umiyak.

Kinabukasan, binalikan ko ang resulta ng ultrasound ko. Pagdating ko sa nurse station, sabi ni ate ganda eh hindi pa daw nasesend ni dra. Hindi ko kayang intayin gawa ng may 9am meeting ako, So inadvise ko syang paki-email na lang. At exactly 9:15am mga besh, dumating na ang email. Nahiya si doc na maglagay ng spacing para sa findings. Sana ginawa na nya lang legal paper instead of letter sa haba at dame ng nakita nya. Ayon sa result, may nakitang multiple cyst sa left and right breast ko. Approximately, 7 cysts ang nasa left at meron akong 3.9 cm x 2.3 cm na biggest nodule sa right breast ko. Pooteekk, nabasa mo yun? 3.9×2.3 cm!! So ibig sabihin eh mga kasing laki ng 5peso coin na gold? Hindi ko sure pero alam kong malaki. Ayon padin sa result eh Bi-Rads Category 4: Suspicious Abnormality. Subject for Biopsy. Yan ang term nila kapag hindi pa sigurado kung malignant or benign.

Nanginginig ako habang binabasa ko yan at tumutulo na ang luha ko. Hindi ako medically witty pero alam mo namang nandyan lang lagi si beshiecake google na kayang ibigay ang mga nakakatakot na definition para lalo kang takasan ng lakas ng loob. Ang haba at andameng alam ng radiologist na siguro eh trip nya lang maglagay ng mga panakot na medical terms dun sa result pero bilang natakot nya ako eh bumalik ako sa OB ko. Sabi ni Dra, tama nga daw ang nakapa nya, masyado nang malaki, kailangan na daw akong I-biopsy kung saan magpapasok ng dalawang mahabang needle sa loob ng skin para makakuha ng sample tissue ng mass at mapag-aralan kung malignant or benign. Nung araw na din yun eh nirefer nya ako sa Lalaking surgeon. Oncologist na. Espesyalista sa Cancer.

So eto na. punta na ako kay Surgeon, waiting in vain ang peg ko na ngayon, bitbit ang mga nakakatakot na resulta ng ultrasound at referral ni dra at suporta ng family and friends eh inantay ko si Surgeon. Sa kasamaang palad, may lecture si Doc so ang substitute nya eh yung anak nyang 32 years old na surgeon na din. Oo. 32 years old lang sya kasi tinanong ko talaga kung ilang taon na.

So habang nakahiga sa bed eh inexplain nya further ang nakita nya sa 32 films ng ultrasound na dala ko. Pero para makasigurado, on-the-spot eh inultrasound nya ako at pinakita nya kung gaano na kalawak ang damage ng nagawa ng mga hinayupak na cyst sa chenelyn ko. After macheck, inexplain nya thoroughly kung paano ako iba-biopsy. Sedated. 2-3hours akong tulog pero mga 5mins. lang talaga ang biopsy. Ayaw nya akong matrauma at yun din ang bilin ng OB ko. After ng Biopsy, maicoconfirm kung yung Diagnosis nyang Phyllode Tumor VS. malignancy ay magiging positibo or hindi. Pwede din Breast Cancer. Depende sa resulta ng Biopsy. Minulat na din nya ako na kapag inoperahan eh Lumpectomy ang gagawin, eto yung procedure/operation kung saan hihiwain ang affected area saka tatanggalin ang Suspicious Abnormality so ang tendency eh, madedeform or hindi na magpapantay ang dibdib ko.

Nung malaman ko yun, umiyak ako sa taxi habang kausap ang ate ko sa phone. Iyak ako ng iyak at hindi ako kumausap ng kahit sinong tao. 2days akong nagmukmok at nagiiyak na akala mo eh mamamatay na ako at hindi ko makikita ang mga magiging anak ko. 2days akong parang tanga at gusto ko nang magsulat ng mga ipapatugtog sa burol ko at 2days kong naisip na magmessage sa mga taong naging parte ng pagpapahirap ng buhay ko. Pero sa loob ng 2days, naisip ko din na hanggang dito na lang ba ang kaya ko? Hanggang dito na lang ba yung purpose ko sa buhay? Paano na ‘yung pamilya ko na namumuti na ang mata para lang mag-asawa ako? Paano na’ yung mga batang nasa bundok kapag hindi na ako nakapagdala ng school supplies? Paano na ‘yung mga aplikante na hindi makahanap ng tamang trabaho? At higit sa lahat eh paano ang sexy body ko? Hahahaha. Biro lang.

Kaya, Naka-schedule na ako ng Core Needle Biopsy sa Thursday, 5pm. So ipag-pray nyo ako ha? Sana wala lang ‘to. Sana maging okay ang lahat. Pasasaan ba’ t lilinya din ang mga bituin. 🙂

-Jassie-

Game Over.

Today, I choose to Let go.
To Let go all my worries, to let go all of my hatreds.
To let go all of our fights and misunderstandings but to keep all of the good memories that we’ve shared.

Today, I choose to Let go.
To let go all of our what if’s, to let go all of the unending questions as to why did we break up.
To let go every little things that will remind me of you.

Today, I choose to finally let you go.
Today, I will be contented of what I only have.
Today, I will no longer be scared with the places that we’ve been to. All of the mountains and islands that we’ve explored and conquered.
Today, I will no longer be scared to meet old and new friends thinking you might be jealous.
Today, I will stop thinking about you.
Today, I will stop hoping that we can still be together, that we can still have another chapter.

Today,  I am finally Letting you go.

Thank you for 5years of being together.

_Jas

Hanash 05

For several weeks, kalmado isip ko. For several weeks, hindi kita naiisip ng sobra at for several weeks, nasasanay na ako sa mga bagay bagay na nakakapag-paalala saken na wala na tayo.

Pero bakit ganun? Nananahimik na ako pero bumabagabag ka nanaman sa isip ko. Bakit kung kailan nananahimik na ako saka ka nanaman nagpakita panandalian at ngiting-ngiti pa?

Bakit kailangan mo nanaman guluhin yung isip ko?

Bakit hindi ako matigil na isipin ka na naman?

Bakit nakakaiyak?

Bakit ang sakit sa puso?

Bakit mahal pa din kita?

Agnus Di

Hello mga beshiecakes! Ang tagal na since nung last entry ko kasi I am still not 100% okay. Masyadong maraming inisip at bumabagabag sa puso at isipan ko. Ewan ko ba.

Ayun, meron ba kayong group of friends nung College? Close padin ba kayo hanggang ngayon? Frequent pa bang nagkikita?

Ako kasi, meron pero hindi ganun karami. Graduate ako ng BS Psychology, Under sya ng College of Human Development or CHD for short. Basketball varsity pero relaks lang. hahaha. 3rd year college ako nung nagkaroon ako ng mga solid na kaibigan na hindi ka pababayaan. Sa CHD ko sila nakilala. May Psychology, Education and Social Work. Yan yung mga courses ng friends ko. Pala-kaibigan naman ako ever since pero wala akong naging solid na group talaga na yung tipong kahit sino eh kampante akong kausapin.

Over the years, aminado ako na happy-go-lucky talaga kame pero pag exams, nagaaral naman din kasi takot kame na baka maging paying students kame considering 50pesos lang ang ibinabayad nameng tuition fee. Andyan yung mga days na after ng Basketball Game, eh magiinuman. Or minsan naman sa DOTA (Defense of The Ancient) Nauubos ang maghapon namen. After ng Finals or kahit anong examinations eh DOTA kame agad. Ganun lang kasimple ang buhay namen nung College. Hanggang sa naka-graduate, nagkatrabaho at hindi na masyadong nakakapagkita ng madalas. Siguro mga once or twice a year na lang and madalas konti na lang ang dumarating kasi yung iba ay nasa abroad, may family na or hindi naman kaya ng schedule sa work.

Until Yesterday, May isa kameng friend na gumawa ng GC and nag-inform na andito na sya sa Pilipinas galing Canada. Simpleng get together lang, kung sino lang available walang pilitan. Mabilisan lang. Mga 10pm uuwi na.

At natuloy ang meet-up, 7pm, Friday, Tides E-Rod. Akala namen mga less than 10 lang pupunta, kasi nga – Priorities. Habang lumalalim ang gabi, napapasarap ang kwentuhan, hindi namen namamalayan ang oras at padame ng dame ang tao. 9pm na ako dumating at medyo 7 na ata kameng nandun hanggang sa may dumagdag ng dumagdag ng dumagdag.

From L-R: Vian, Jas, Thyl, Mae, Kathy

Vian – Currently working sa DSWD (Jo, hindi DPWH ah. hahaha) Happily married. Isa sa mga classmates na hindi ko akalang magiging close ko. Never syang nawala sa kahit anong happenings.

Thyl – Fresh from Canada, Happily Married. Sya yung isa sa mga friends ko na akala ko hindi magaasawa. As in tatanda lang sya ng pumaparty hard. Twice syang umalis kagabi kasi nagigising yung anak nya in between hours. Oha. dati wala syang pakialam sa tao pero ngayon, loving mother na mamshie nyo.

Mae – Sya yung bestfriend ko, working as an HR Head. Lagi nyo naman syang nakikita sa blog entries ko. Dati sya ang pinakatahimik pero ngayon medyo madaldal na sya at times. She grew into a beautiful butterfly na. hahaha. Charot.

Kathy – She’s a Lawyer by profession. Classmates sila ni Thyl from BS Biology before matransfer sa Psychology. 2nd year college palang eh friend ko na si Kat, Center sa Team at laging kasama sa DOTA.

Elaine – *not in the picture* Working as an HR practitioner as well sa isang kilalang BPO industry. Varsity player pero more of kikay kapag wala sa court. Cheerful si Elaine at kahit anong joke eh talagang benta sa kanya.

LR: Roy, Jun, Arjo, PJ, JP, Mark

Roy – Ay sobrang happily married. Haha. Hotelier at one of the most thoughtful guys I know. Education graduate but cooking is his passion.

Jun – Photographer. Hindi sya from PLM pero feeling namen dun din sya nag-aral. Sa sobrang love nya sa amin, Nagbook sya ng ticket from Tacloban para lang makarating yesterday. So just imagine from Tacloban with love ang peg ni Kuya nyo.

Arjo – Businessman. Sa GC palang, nagbanggit na sya na kung magcellphone ka lang pagdating sa Tides, eh wag ka nang pumunta. Particular sya sa presence ng bawat isa. Dapat active ka at higit sa lahat, bawal ang social media.

PJ – SPED Teacher and Swimming Instructor. Sya yung isa sa mga kaibigan ko na hindi nagagalit basta-basta at naniniwala na dumarating sa point ng tao na nagbabago ang behavior nya. Therefore, kailangan silang intindihin.

JP – Happily Married at Hardcore Area Manager. Grabe tong taong to. Napakasipag magtrabaho at sisiguraduhin nyang makakapunta sya sa gathering kahit saglit lang.

Mark – SPED Teacher. Fresh from Dubai. Soldier of Love. Englisher. Lapitin ng Chicks. Master ang tawag namen sa kanya nung College. Kasi Master sya – in all aspects. Hahaha.

Sila yung mga friends ko and we have this brotherhood called ‘Agnus Di’. Sila yung mga kaibigan na for keeps talaga. Almost 10years ko na ata silang kaibigan and kada makikita ko sila, mas tumataas ang respeto ko sa mga taong tao.

Also, yesterday, we celebrated Atty’s Birthday. Salamat kay Elaine na nagdala ng Cake. 🙂

We ended our celebration around 330 am and transferred to Pares Retiro para sa rewarding na Sabaw!! Hahaha.

Iba talaga kapag nagkakaroon ka ng mga friends turned into families ang peg tapos nagiging masaya ka sa lahat ng achievements nila.

Love you, Agnus Di!

-Jas